Ang wikang pambansa ay isang wika na natatanging kinakatawan ang pambansang pagkilanlan ng ating lahi at bansa. Ginagamit ang Pambansang Wika sa politikal at legal nadiskurso at tinatalaga ng pamahalaan ng ating bansa.
WIKANG OPISYAL
Ang wikang opisyal ay isang wika o lenggwahe na binigyan ng bukod-tanging istatus sa saligang batas ng isang bansa, estado at iba pa. Ito ang wikang kadalasang ginagamit sa leshislatibong mga sangay ng bansa, Ang isang wikang opisyal na kinikilala ng isang bansa ay tinuturosa mga paaralan, at ginagamit sa mga opisyal na komunikasyon.
WIKANG PANTURO
Ang wikang panturo ay ang wikang opisyal na ginagamit sa pormal na edukasyon. Ito ang wikang ginagamit sa pagtuturo at pag- aaral sa mga paaralanat ang wika sa pagsulat ng mga aklat at kagamitan sa pagtuturo sa paaralan.
Salamat sa sagot
TumugonBurahin